-- Advertisements --

ROXAS CITY – Mainit na sinalubong ng mga Capizeño si Presidente Ferdi-nand Marcos Jr. sa pangunguna ni Capiz Governor Fredinel Castro at asawa nito na si 2nd district Congresswoman Baby Jane Castro, 1st district congressman Emmanuel Billones Sr., former senator and DILG secretary Mar Roxas, Pinuno Partylist Representative Howard Guinto, Uswag Ilonggo Representative Jojo Ang , at mga elected officials ng provincial at city government.

Sa naging mensahe ng presidente sa mga taga Capiz, sinabi nito na patu-loy na magbibigay ng tulong ang pamahalaan upang mapalakas ang food security sa bansa at mapaunlad ang sektor ng agrikultura at buhay ng ba-wat Pilipino.

Napag-alaman na ang mga bigas na ipinamahagi sa Capiz ay bahagi ng 42,180 na sako ng smuggled na bigas na nakumpiska ng Bureau of Cus-toms sa port of Zamboanga kung saan tumanggap ng 25 kls ang mga be-nepisyaryo bawat isa.

Samantala, nabigyan din ng seed capital fund na P1,785.000.00 mula sa DSWD ang 6 na farmers association mula sa mga bayan ng Sapian, Dao, Dumarao, Pilar, President Roxas, at Tapaz.

P1,000,000.00 naman ang natanggap ng Bailan at Tapaz District hospitals, P1.5M para sa Pontevedra LGU, P1.1M naman para sa scholarship program ng ilang estudyante mula sa TESDA, P5.66M naman mula sa CHED para sa mahigit 250 mga estudyante at mahigit sa P1M naman para sa mga farmers at farmers association.