-- Advertisements --
guillor

Nasa 1,000 Angkas driver ang ipapakalat sa ibat-ibang hospital bilang tulong sa mga medical frontliner na nahihirapan sa pagsakay dahil sa transport ban ngayong nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Bukod sa deployment ng mga ANgkas driver, may donasyong motorcycle barriers din ANGKAS Group sa Philippine National Police (PNP).

Ipamamahagi ito ng PNP sa piling medical frontliner na may motorsiklo.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Lt Gen. Guillermo Eleazar, pupwesto ang mga Aangkas drivers sa PGH, San Lazaro Hospital, East Avenue, Ospital ng Caloocan, NKTI, Lung Center at Fabella.

Bagaman walang prangkisa sa ngayon, sinabi naman Angkas chief transport advocate George Royeca na nakipag ugyan sila sa National Task Force Against COVID 19 para dito at mag o-operate lang sila hanggang MECQ lang.

Sinabi ni Eleazar na kanilang i-turn over kay sa DRDO MGen. Emmanuel Licup ang donasyong shield barrier.

barrier1 1

” It will be given doon sa mga health workers, priority duon sa kanila at yung pamilya nila na merong mtoro at through our police station sila ngayon ang maghahanap o sila ang lalapitan para madistribute itong 1,000 shields,” pahayag ni Lt.Gen. Eleazar.

Hinimok din ni Eleazar ang publiko na ireport sa otoridad kung may mga motorsiklo na nagpapa-upa o namamasada.

Dagdag pa ni Eleazar mahigpit na mino monitor ng PNP Highway Patrol Group ang mga bumibiyaheng motorsiklo ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.