-- Advertisements --
Pinauwi na ang nasa 1,000 Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Subic Bay Freeport matapos na magsara ang kanilang kumpanya.
Ayon kay Wilma Eisma, ang namumuno sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na sa 1,500 na Chinese workers ay mayroon lamang halos 500 ang naiwan.
Ang nasabing pagsasara ay epekto ng ipinatupad na Luzon-wide enhanced community quarantine noong Marso.
Mahigit P100 million aniya ang pagkalugi ng Great Empire Gaming and Amusement Corporation kaya minabuti nila na pabalikin sa China ang kanilang mga empleyado.
Nauna ng ibinunyag nina Senator Richard Gordon at Nancy Binay na mayroong 27,678 na mga dayuhan mula sa mainland China ang nag-avail ng Special Resident Retiree’s Visa o SRRV.