-- Advertisements --

Magtatalaga ang Manila Police District (MPD) ng nasa 1,000 kapulisan sa Quiapo Church upang tiyakin ang seguridad sa gaganaping prosisyon ng imahe ng itim na Nazareno sa darating na Biyernes Santo.

Ayon kay MPD public information chief Maj. Philipp Ines, simula ngayong araw ay ide-deploy na angmga ito sa nasabing simbahan at gayundin sa iba pang mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga deboto.

Samantala, sinabi naman ni Quiapo Church parochial vicar Fr. Douglas Badong na hindi papayagang umakyat sa imahe ng Itim na Nazareno ang mga deboto sa panahon ng prusisyon.

Magugunita na una nang sinuspindi ng simbahang katolika taunang tradisyon na ito sa loob ng dalawang taon nang dahil sa pagtama ng pandemya sa bansa habang kamakailan lang ay muli rin nitong pinayagan ang tradisyonal na “pahalik” sa imahe ni Hesukristo.