Personal na alitan ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril patay sa isang lalake sa Cotabato City.
Nakilala ang biktima na si Muharin Omar Kasan,32 anyos,may asawa at residente ng Crossing Simuay Sultan Kudarat Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Lugay-Lugay Street Barangay Bagua 1 Cotabato City nang bigla itong harangin ng mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng dalawang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa lungsod ng Cotabato.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaslang sa biktima.