-- Advertisements --

DAVAO CITY – Apat na lalaki ang sugatan matapos pinagbabaril ng isang lasing na kapitbahay sa Barangay Sasa, Davao City.

Isa sa naturang mga biktima ang nasa kritikal na kondisyon, habang ang tatalo umano stable na ang kondisyon.

Kinilala ang mga biktima na sila Anthony Narvasa, 21 years old, ang nasa kritikal na kalagayan, Crisanto Varela, 45 years old, factory worker; Andres Delgado, 58 years old, isang barangay tanud at Rommel Tanting, 19 years old, pawang mga residente sa Purok 4, Bayview, Km. 11, Brgy. Sasa Davao City. Samantala ang suspect ay kinilala naman na si Allan Coronial alias “TETENG”, 43 years old, at isang company driver.

Batay sa impormasyon ng Sasa Police station naganap ang pamamaril alas 4:30 hapon habang nag-iinuman ang suspect at ang mga biktima, pero dahil sa kalasingan nagkaroon umano ang mga ito ng hindi pagkakaintindihan.

Inawat umano ni Narvasa ang mga ito pero hindi nakinig kaya umalis ito at sa kanyang pagbalik may dala nang itak.

Inihayag ni Police Major Jake Goles, station commander ng Sasa PNP na nagalit din umano ang suspect dahil sa sobrang ingay ng kanyang mga kainuman at hindi rin umano nakinig sa kanyang pag-awat, kaya kinuha nito ang kanyang baril.

Dagdag pa ni Goles na kaagad tumakas ang suspect matapus ang krimen pero kaagad din itong naaresto at narecover ang kanyang baril na itinapon sa damuhan.

Kasong multiple Frustrated murder ang haharapin ng suspect.