-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na makuryente sa Brgy. Camohaguin, Gumaca, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jordan Tañedo, 34-anyos, residente ng Brgy. Kawayan, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office,napag-alaman na habang nagpipintura ang biktima sa isang warehouse nang makadikit ang metal ladder na ginagamit nito sa isang round wire na nakakonekta sa powerlines na mayroong 220 volts na electric current.

Dahil dito, nagtamo ng electrical burns sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan nang agaran nitong pagkamatay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.