-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagbukas na ang week-long celebration ng ikalawang taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ginanap na maikling programa sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City ay iwinagayway ang watawat ng Bangsamoro bilang hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon.

Sinabi ni BARMM Chief Minister Ahod Ibrahim na sa kauna-unahang pagkakataon ay iwinagayway ang bandila ng Bangsamoro katabi ng watawat ng Pilipinas.

Bahagi rin ng seremonya ang symbolic turnover ng school armchairs na pinangunahan ni Education Minister Mohager Iqbal, pamamahagi ng relief goods at wheelchairs sa pangunguna ni Executive Secretary at Environment Minister Abdulraof Macacua.

Isinabay na rin ang paglulunsad ng regional disaster vehicles and equipment sa pangunguna ni MILG Minister Naguib Sinarimbo, turnover ng DOHXII-Center for Health Development-12 sa Ministry of Health sa pangunguna ni Minister Dr Ameril Usman at distribution ng agricultural equipment na pinangunahan naman ni MAFAR Minister Dr. Mohammad Yacob.

“Moral Governance: Building Strong Foundations for a Better Bangsamoro,” ang tema ng 2nd foundation anniversary ng BARMM.