
MANILA – Nadagdagan pa ng 1-milyon ang supply ng Pilipinas sa COVID-19 vaccine na CoronaVac ng Chinese company na Sinovac.
Nitong umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano na nag-deliver sa 1-milyong doses ng Chinese vaccine.
Dahil dito, aabot na sa 12-million doses ng Sinovac vaccine ang natanggap ng Pilipinas mula noong Pebrero.
Mismong si vaccine czar Sec. Carlito Galvez ang sumalubong sa delivery ng bakuna, kasama si Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal ng ahensya.
Kagabi nang dumating ang unang suppply ng COVID-19 vaccine ng Moderna, na binili ng pribadong sektor.
Batay sa huling datos ng DOH, nasa higit 8.4-milyong indibidwal na ang nabakunahan sa Pilipinas laban sa coronavirus.
Mula rito, 2.1-milyon na ang nakakumpleto sa pagtanggap ng dalawang vaccine doses.