Nasa mahigit isang milyong doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang panibagong dumating sa bansa.
Ang 1,017,900 doses na bakuna na siyang binili ng gobyerno ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-8:00 ng gabi.
Pinangunahan ni National Task Force Against COVID-19 strategic communications on current operations head Assistant Secretary Wilben Mayor ang pagsalubong ng nasabing mga bakuna.
Aabot na sa mahigit 139 milyon na bakuna ang kabuuang natanggap ng bansa.
Nauna nang natanggap ng bansa ang mahigit na tatlong milyong doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng kompaniyang AstraZeneca.
Mayroong kabuuang 3,191,040 doses na AstraZeneca vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino Terminal 3.
Ang nasabing mga bakuna ay bahagi ng 5.22 milyon na bakuna na donasyon ng United Kingdom sa pamamagitan ng COVAX facility ng WHO.
Inaasahan pa ng National Task Force ang pagdating ng iba pang AstraZeneca vaccines ng hanggang Sabado.