-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang nasa 1 milyon doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac.

Pasado alas-siyete nitong Huwebes ng gabi ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa lungsod ng Pasay ang eroplanong pinagsakyan ng nasabing mga bakuna.

Pinangunahan ni vaccine czar Carlito Galvez ang pagsalubong ng mga bagong dating na bakuna.

Sa ngayon ay aabot na sa mahigit 38.3 milyon doses na COVID-19 vaccine ang natanggap ng bansa.