Ikinaalarma ng mga eksperto ang lumabas na pag-aaral na aabot umano sa one million panibagong sexually transmitted infections (STIs) ang kinakapitan kada araw.
Sa pagtaya ng World Health Organization (WHO) nangangahulugan ito ng 376 million bagong mga kaso ang naitatala kada taon sa apat na mga infections na kinabibilangan ng chlamydia, gonorrhoea, trichomoniasis, at syphilis.
Dismayado ang WHO sa kakulangan pa rin ng progreso upang mapatigil ang paglaganap ng STIs.
Umaasa ang WHO na ang nabanggit na datos ay magsisilbing “wake-up call” sa lahat.
Kabilang sa ikinabalaha ng mga experts ay ang pagtaas ng mga drug-resistant STIs sa buong mundo.
Kung ikukumpara ang panibagong analysis na ito doon sa taong 2012, ayon sa WHO lumabas na “no substantive decline” sa mga panibago o kasalukuyan umiiral na infections.
Sinasabing pa sa pagtaya na isa sa 25 katao sa buong mundo ang merong isa ng apat na STIs, habang ang iba naman ay nakakaranas pa ng multiple infections nang sabay.
Batay pa sa figures lumalabas din na sa mga tao na may edad 15-49 noong taong 2016 ay ganito ang naitala:
-156 million new cases of trichomoniasis
-127 million new cases of chlamydia
-87 million new cases of gonorrhoea
-6.3 million new cases of syphilis
Ang Trichomoniasis ay dulot ng infection ng isang parasite na nakuha sa pakikipag-sex.
Ang mga chlamydia, syphilis at gonorrhoea ay mga bacterial infections.
Kasama naman sa symptoms ng STI ay ang “discharge, pain urinating at bleeding between periods.”
Pero marami naman ang mga kaso na walang mga symptoms.
Kung meron namang seryosong komplikasyon kabilang na rito ang pelvic inflammatory disease at infertility sa mga kababaihan mula sa chlamydia at gonorrhoea.
Nakukuha naman daw ang cardiovascular at neurological disease mula sa sakit na syphilis.
Kung sakali raw ang isang babae ay mahawaan ng STI sa panahon ng pagbubuntis, maaring magdulot ito ng “stillbirth, premature birth, low birth-weight at health problems” para sa dinadala.
Tulad na lamang ito ng mga sakit na pneumonia, blindness at congenital deformities.
Tinukoy pa ng WHO na ang bacterial STIs ay maari namang magamot sa mga umiiral na mga medications sa panahon ngayon.
Pero sa isyu naman ng syphilis treatment ay pahirapan dahil sa kakulangan ng ispesipikong gamot na penicillin.
Lalo na at meron na namang pagtaas sa kaso nang tinaguriang “super-gonorrhoea” na imposibleng magamot.
Dahil dito nagpaalala ang WHO sa kahalagahan ng pag-obserba ng safe sex, pati na ang paggamit ng condom at ang pagsasailalim sa testing.
“We’re seeing a concerning lack of progress in stopping the spread of sexually transmitted infections worldwide,” ani Dr. Peter Salama ng WHO. “This is a wake-up call for a concerted effort to ensure everyone, everywhere can access the services they need to prevent and treat these debilitating diseases.”