-- Advertisements --
Nasa halos isang milyong doses ng bakuna mula sa British-Swede drug firm na AstraZeneca ang darating sa bansa sa huling bahagi ng Marso o sa Abril.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na ang nasabing mga bakuna ay sa pamamagitan ng pagsusulong ng World Health Organization-led facility na COVAX.
Aabot sa 979,200 na AstraZeneca ang inaasahang darating sa Marso 22 base na rin sa abiso mula sa COVAX at WHO pero asahan ang delays sa pag-deliver.
Bukod sa AstraZeneca ay darating sa bansa ang 1.4 milyon doses ng Sinovac BioTech kung saan 400,000 dito ay donasyon ng gobyerno ng China.
Sa kabuuan ay mayroong 2,379,000 na bakuna ang inaasahang darating sa mga susunod na araw.