DAGUPAN CITY – Target ng Tourism Office ng syudad ng Dagupan na maabot ang mahigit isang milyong turista ngayong nalalapit na ang selebrasyon ng Bangus Festival 2019.
Ayon sa tourism office, pumalo sa isang milyon ang turista na nagtungo sa syudad noong nakaraang taon kung kaya’t nais nila itong mapantayan at mahigitan pa ngayong taon.
Maliban sa layuning maitaguyod ang kalakalan ng “One Town, One Product” na Bangus, nais din na mapalago ang ekonomiya sa lungsod sa pamamagitan ng turismo.
Magsisimula ang Bangus Festival sa April 12 kung saan ilan lamang sa mga inaabangang highlight ng pagdiriwang ang Gilon-Gilon Ed Baley, Kalutan Ed Dalan at ang Bangusan Street Party.
Tututukan naman ng lokal na pamahalaan ang crowd control at proper waste management sa lungsod sa kasagsagan ng pagdiriwang.