Balik muna sa one meter physical distancing sa pampublikong transportasyon habang wala pang desisyon ang Pangulong Rodrigo Duterte kung ito ay pwedeng maibaba sa 0.75.
Ginawa ni DOTr Sec. Arthur Tugade ang pagsuspinde sa polisiya sa gitna na rin nang patuloy na pulong ng IATF.
Ito rin naman ang nilinaw ni Presidential spokesperson Sec. Harry Roque.
Una rito ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Nauna rito nagkaroon pa nang pagsalungat ng paniniwala sina Department of Health Secretary Francisco Duque III at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano at kanilang kinontra ang DOTR at maging NTF implemeter Sec. Carlito Galvez.