LAOAG CITY – Inaasahanag darating sa Pilipinas ngayong buwan ng Marso ang 1 million 2 thousand doses ng bivalent vaccine.
Ito ang ipinaalam ni Department of Health Acting Secretary Maria Rosario Vergeire sa pangunguna nito sa 55th founding anniversary ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Lungsod ng batac.
Kaugnay, sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay patuloy ang dayalogo ng Department of Health sa mga manufacturers at nagsimula noong Hunyo 2022.
Inihayag nito na ang higit isang milyon na bakuna na dadating sa Pilipinas ay mula sa covax facility na dati ng nagbibigay ng donasyon dito sa bansa.
Sa ngayon aniya nakatutok ang Department of Health sa mga proseso ng pagdating ng bakuna sa bansa kung saan agad itong maibigbigay sa iba’at-ibang lugar partikular sa vulnerable population.
Una rito, ipinaliwanag ni Vergeire na ang bakuna ay natawag na bivalent dahil naglalaman ng component na makakapatay sa virus ng original strain at omicron variant ng COVID-19 virus.
Dagdag nito na kung ikompara ang nasabing bakuna sa ibang covid vaccine ay mas epektibo ito dahil maliban sa una itong naging monovalent ay maaring mapatay ang original strain ng COVID-19 virus.