CEBU CITY – Aabot sa siyam katao ang na-rescue habang isa naman ang missing matapos tumaob ang sinasakyang motorbanca kaninang madaling araw sa Hilutungan Channel sa Cebu.
Natanggap ng mga rescuers ang alarma dakong alas-2:16 ng madaling araw.
Napag-alaman na may sakay na 10 katao ang motorbanca nang umalis ito sa isla ng Olango pasado alas-10:00 kagabi patungong lungsod ng Lapu-lapu
Lumangoy umano ang dalawa sa mga ito para humingi ng tulong.
Ang iba pang sakay ng barkong Seaborne Cargo 5 na patungong Bohol na umaabot sa walo ay nakaligtas din at kasalukuyang nasa isla.
Mabilis na nagpadala ng team ang Coast Guard para magsagawa ng search and rescue operations.
Natagpuan naman ang isa sa kanila sa Punta Engaño, Lapu-Lapu at nasa maayos na ang kondisyon.
Habang ang isang kasamahan nila ay patuloy pang pinaghahanap.
Una rito, nagkaroon umano ng butas ang sinakyang motorbanca hanggang sa ito ay lumubog.
Sinsabing nanggaling umano sa isang birthday celebration ang mga biktima.