Iniulat ng Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na isang indibiwal ang hanggang sa ngayon ang nawawala o missing kasunod ng naranasang serye ng lindol nuong Sabado sa Itbayat,Batanes.
Kinilala ni Batanes PDRRMO officer Roldan Esdicul ang nawawalang indibidwal ay si Edwin Ponte.
Ayon sa opisyal pinaniniwalaang nasa loob ng nag collapsed na bahay, pero hindi ito narekober ng magsagawa ng retrieval operation ang mga mga search and rescue teams.
Inaalam na rin ng mga otoridad kung nakalabas na ito ng bahay nuong mangyari ang pagyanig.
Ayon kay Esdicul, umaasa sila na makita ang nawawalang indibidwal.
Sa serye ng pagyanig na naranasan sa Itbayat walong katao ang nasawi habang higit 60 ang sugatan.
Ang Itbayat ang lubos na naapektuhan sa nangyaring pagyanig dahil ito ang epicenter.
Hanggang sa ngayon nananatili pa rin sa plaza ang mga residente sa Itbayat at hindi pa silang pinapayagan na makabalik sa kanilang mga bahay dahil may nararamdaman pa silang pagyanig hanggang kagabi.
Nasa kabuuang 180 aftershocks na ang naitala ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHILVOCS).
Hanggang sa ngayon hindi pa rin binabalik ang linya ng kuryente sa Itbayat.