-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng Olympic boat team ng Serbia.

Nalaman na lamang ito ng sila ay isailalim sa screening at testing pagdating nila sa Haneda airport.

Dinala na sa medical facility ang nagpositibong miyembro habang naka-isolate din ang apat na miyembro na nakasalamuha nito.

Nakatakda ring bumiyahe sila sa Nanto City sa Toyama prefecture para isagawa ang kanilang training.

Magugunitang itinakda sa Hulyo 23 ang torneo kung saan saan hinigpitan ng mga Japanese authorities ang pag-screen sa mga atletang lalahok.