LEGAZPI CITY – Makukulong ng 10 hanggang 17 taon ang binatilyo na itinurong nasa likod ng pamamaslang kay teacher Mylene Durante at pananaksak sa dalawang noo’y Grade 6 pupils na kasama nito sa loob ng eskuwelahan sa Pioduran, Albay.
Ito’y matapos “guilty” ang ibinabang hatol ng korte sa kasong murder at 2-counts ng attempted murder laban sa binatilyo.
Nakasaad pa sa desisyon ng Ligao City Regional Trial Court Branch 13 na mabibilanggo rin ang akusado sa loob ng anim na buwan hanggang sa dalawang taon sa bawat bilang ng attempted murder.
Mahigit P5.2 million naman ang hinihinging bayad-pinsala sa pagkamatay ni Teacher Mylene at tig-P75,000 sa bawat count ng inihaing kaso ng dalawang estudyante.
█ Pinatay na guro sa loob ng paaralan sa Albay, ‘nagpaparamdam’ sa pamilya?
█ Kalagayan ng 2 mag-aaral na witness sa pagpatay sa guro sa Albay, tiyakin – Sec. Briones
█ Suspek sa pagpaslang sa guro sa Albay, kinasuhan na
█ Seguridad para sa mga guro na naka-assign sa liblib paaralan, hiniling sa DepEd
Pagbabahagi ni Jun Villa, dating kamag-aral sa Master’s Degree at tiyuhin ng asawa ni Teacher Mylene sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ipinagpapasalamat nito ang mabilis na gulong ng hustisya, isang buwan bago ang death anniversary ng guro.
Subalit hindi pa rin aniya maiwaglit ang sakit na idinulot ng pangyayari lalo na sa naiwang pamilya ni Mylene.
Kung babalikan, Oktubre 9 noong nakaraang taon nang patayin si Teacher Mylene sa Oringon Elementary School na nagtamo ng mahigit 20 saksak.
Nagawa pa nitong mailigtas ang dalawang estudyante na kasamang natutulog sa paaralan nang sumalakay ang akusado na 17-anyos pa lamang nang isagawa ang krimen.