-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakatakdang i-anunsyo ni Prime Minister Shinzo Abe ang 1-month extension ng state emergency sa Japan.

Ayon kay Bombo International Correspondent Josel Palma, nakatakdang i-anunsyo ni Abe ang pagpapalawig ng state oif emergency sa Mayo 4 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019.

Ani Palma, isa sa mga tinitingnang dahilan ng pag-taas ng kaso ng COVID-19 sa Japan ay ang pagdaong ng isang Italian Cruise ship sa Port of Nagasaki kung saan karamihan sa mga crew ay nagpositibo sa nasabing virus.

Sa kabila nito, makakatanggap naman ng tulong galing sa Japanese Government ang lahat ng resident card holders sa Japan.

Napag-alaman na umabot na sa 14,516 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Japan kung saan 466 na ang namatay at 3,466 naman ang nakarecover.