-- Advertisements --
Inaprubahan na ng mga mambabatas sa United Kingdom ang isang buwang lockdown sa England para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Mayroong 516 na mambabatas ang sumang-ayon sa lockdown at 38 naman ang kumontra.
Ang nasabing lockdown ay ipinayo ni British Prime Minister Boris Johnson para tuluyang masawata ang pagkalat ng COVID-19.
Dahil dito ay pinayuhan nila ang mga residente na manatili sa loob kanilang bahay.
Magtatapos ang nasabing lockdown hanggang Disyembre 4.