Ngayong taon target magka-baby ng newly wed couple na sina Ara Mina at Dave Almarinez.
Pahayag ito ng 42-year-old actress kasabay ng pagbahagi sa unang pagkakataon na magha-honeymoon pa lamang sila ng pinuno ng Philippine International Trading Corporation.
Ayon kay Ara o Hazel Pascual Reyes sa tunay na buhay, ngayon pa lamang ang mahabang break nito sa lock-in taping kaya tila naantala rin ang pulo’t-gata pero sana ay biyayaan pa rin ng sariling tsikiting.
“Magha-honeymoon muna kami. Medyo mahaba ang break ko… Si Lord na ang bahala diyan, kita mo in God’s perfect time ibibigay naman Niya ‘yon. Kasi sabi ko nga wala akong hiniling na hindi ibinibigay ni Lord, maghihintay ka lang,” saad ni Mina sa push.
Nabatid na humabol sa pagiging “June bride” si Ara kung saan sa pinakahuling araw mismo ito nitong nakaraang buwan ikinasal na ginanap sa Baguio City.
Nitong April 28 sana ang kanilang kasal matapos maging engaged noong Enero, ngunit naantala dahil sa pagtaas ng coronavirus cases sa National Capital Region.
Kapwa baby boy ang nais ng mag-asawa, dahil parehong babae rin ang kanilang anak sa mga dating partner.
Kabilang sa hit movies noon ni Ara ay “Laro sa Baga,” “Sagad sa Init,” “Phone Sex,” “Nag-aapoy na Laman,” “Two Timer,” at iba pa.