-- Advertisements --
Nakarating na sa Mount Everest sa Kathmandu, Nepal ang COVID-19.
Ito ay matapos na isang Norwegian climber na nagtangkang umakyat sa tuktok ng bundok ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Erlend Ness, nagpapagaling na ito sa kaniyang bahay matapos na lumabas na positibo sa kaniyang COVID-19 testing habang nasa paanan ng bundok.
Umaasa ito na wala siyang nahawaan na ibang mga climbers.
Dahil dito ay dinala kaagad siya sa pagamutan matapos na malaman ang resulta ng test.
Magugunitang niluwagan na ng Nepal ang pagpasok ng mga climbers sa Mount Everest para makakaakit ng mga turista.
Aabot kasi sa 377 na permits ang ibinigay ng Nepal sa mga nais na umakyat sa tinaguriang pinakamataas na bundok sa buong mundo.