-- Advertisements --

Tinatayang 800,000 katao mula sa tatlong lungsod sa Japan ang pinalikas sa gitna ng banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng malakas na ulan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, hanggang sa susunod na linggo pa magpapatuloy an matinding ulan na nagsimula nitong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga apektadong lungsod ay ang Kirishima, Aira, at Kagoshima sa tanyag na Kyushu island.

Isang matandang babae na ang naitalang nasawi sa nasabing isla matapos tamaan ng mudslide ang bahay nito.

Samantala, inabisuhan na umano ni Prime Minister Shinzo Abe ang mga residente na gumawa na rin ng hakbang upang iprayoridad ang pagligtas sa kani-kanilang mga sarili. (BBC)