CENTRAL MINDANAO-Isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa pamamaril dakong alas 9:05 nitong gabi ng Huwebes sa Cotabato City.
Nakilala ang binawian ng buhay na si Momar Cabellon Mamalangkay 24 anyos habang sugatan sina alyas Hamsa,17 at alyas Mujahid 12,mga residente ng Purok Balabaran Phase 2 Barangay Rosary Heights 10 Cotabato City.
Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP na naglalakad si Mamalangkay papauwi na ng kanyang tahanan ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Nagkataon naman na nandoon sa lugar ang dalawang menor de edad na magkabarkada kaya itoy nadamay.
Mabilis tumakas ang mga salarin at hindi na ito naabutan ng mga nagrespondeng pulis.
Naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang mga sugatan ngunit binawian ng buhay si Mamalangkay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Police Precinct 2 ng Cotabato City Police Office sa pamamaril sa mga biktima.