BUTUAN CITY – Patay ang usa ka high ranking personality ng New People’s Army (NPA) Communists Terrorist Group (CTG) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng kanyang grupo at mga tauhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army sa bukiring bahagi ng Sitio Pingaping, Brgy Motorpol, Tubod, Surigao del Norte kahapon.
Kinilala ang namatay ng kanyang mga dating kasamahan na si Christopher Jhon Trugello, alyas Krokis at Ajit, political instructor ng Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) Platoon 16C2, Guerilla Front (GF) 16, Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) sa ilalim ni Albert Castañeda alyas JD, residente ng Purok Rosal, Brgy Quezon, Surigao City.
Napag-alamang bago ang engkwentro ay nakatanggap ang tropa ng militar ng reports mula sa mga residente kaugnay sa presensya ng mga Communist Terrorists sa naturang lugar sanhi ng inilunsad nilang combat patrols.
Pagdating nila sa naturang lugar ay kanilang nakasagupa sa loob ng 25-minuto ang tinatayang 15 mga rebeldeng NPA na nag-ukupa sa heavily fortified temporary encampment na may mga fungi sticks at Improvised Explosive Device (IED) sa paligid.
Kaagad na tumakas ang mga rebelde resulta sa pagkarekober ng kanilang kampo.
Natagpuan ang bangkay ng rebelde at ang bitbit nitong 9mm caliber pistol na may magazine at may mga bala.
May narekober din na mga war materials gaya ng mga bala ng iba’t ibang kalibre ng armas, mga personal na gamit, pagkain, limang mga jungle packs, 12 mga makeshift tents at mga subersibong dokumento.