-- Advertisements --

Sinibak na sa puwesto ang isang superintendent at limang jail guards sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) matapos na matakasan sila ng apat na bilanggo noong Enero 17, 2022.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag, na inalis na sa kaniyang puwesto si Superintendent Arnold Guzman.

Kabilang sa iniimbestigahan sa nangyaring jail break ang posibilidad ng sabwatan ng ilang jail guards at nakatakas na bilanggo.

Kung maalala, sa apat na tumakas ay isa na rito ang napatay kabilang na si Pacifico Adlawan at Arwin Bio.

Nananatili namang at large sina Chris Ablas at Drakilou Falcon, na pawang may mga kaso tungkol sa robbery at pagpatay.

Kahapon ang sabilin ni Chaclag na tuloy-tuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng BuCor sa kamag-anak ng mga pumugang preso sa New Bilibid Prisons (NBP) para sa pagsuko ng dalawa pang inmate na hanggang sa ngayon ay at large.

Maging ang kaibigan ng mga tumakas na sina Drakilou Yosores at Chris Candas Ablas ay kanila na ring kinontak.

Hinihikayat pa nila ang mga kamag-anak ng mga tumakas na huwag nilang kunsintihin ang dalawa pang inmate.

Umaasa si Chaclag na sila ay susuko na at makapagbagong buhay.

Isang preso rin na malapit na umanong mabuno ang sentensiya o malapit nang lumaya ang namatay matapos barilin ng mga tumakas na preso.

Tumanggi umano ang biktima na buksan ang gate kaya siya binaril ng mga kapwa-bilanggo.

Samantala, ang dalawang personnel na sugatan sa insidente ay nasa maayos na raw na kalagayan at ang dalawang iba pa ay patuloy pa ring inoobserbahan.

Aminado naman si Chaclag na may may pagkukulang sila sa physical security sa naturang piitan dahil nagkaroon daw ng renovation sa building.

Aniya, may mga security feature pa raw sanang dapat mailagay sa detention cell kaya ito ang sinamantala ng mga tumakas.