-- Advertisements --

Isiniwalat ni 1-Pacman party list Rep. Eric Pineda na kinapitan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang mensahe, sinabi ni Pineda na ngayong Sabado niya raw nakuha ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Pinayuhan naman ni Pineda ang lahat ng kanyang mga nakasalamuha sa nakalipas na limang araw na gawin ang mga kinakailangang pag-iingat.

“My dear colleagues I would like to inform everyone that I tested positive for COVID-19 today. For those that I may have had contact the last five days, please take the necessary precautions. God bless,” saad ni Pineda.

Nitong nakaraang linggo nang magpositibo rin sa coronavirus si Cavite 6th District Rep. Luis “Jon Jon” Ferrer IV.