-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinayuhan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio ang mga private companies sa siyudad lalo na ang mga BPO na kailangan sumunod ang mga ito sa mga polisiya at dapat gawin lalo na kung may mga empleyado na nahawa ng COVID-19.

davao city
Davao Del Sur

Ang pahayag ng alkalde ay may kaugnayan sa naunang sinabi ni Marjorie Culas, asst. health officer sa City Health Office na may isang BPO company ang nakapagtala ng 403 na mga call center agents na nagpositibo sa COVID-19 matapos ang isinagawang surveillance testing sa kanilang higit 1,000 mga empleyado.

Ayon sa alkalde, kung may nakitang paglabag ang isang kompaniya partikular na ang hindi paggawa ng hakbang sa kanilang mga empleyado na nahawa ng virus, maaaring masampahan ito ng reklamo.

Sa kasalukuyan, nananatili umanong naka-lockdown ang hindi pinangalanan na BPO company at temporaryo rin umanong itinigil ang kanilang operasyon.