-- Advertisements --
Isa pang namumuong sama ng panahon ang panibagong binabantayan ng Pagasa sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa international weather agencies, namataan ito sa layong 2,500 kilometro sa silangan ng Davao.
Posibleng makapasok ito sa karagatang sakop ng Pilipinas sa weekend o sa unang bahagi ng susunod na linggo.
Kung lalakas ito bilang bagyo, bibigyan iyon ng Pagasa ng local name na “Dodong” bilang ika-apat na sama ng panahon para sa taong 2019.
Samantala, asahan pa rin ang paminsan-minsang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa mga ulap na naiwan ng dating bagyong Chedeng na naging LPA na lamang.