NAGA CITY- Isasabay na rin ng Senado sa pagplantsa ng committee report ukol sa pastillas scheme ang pagpapanagot sa mga sangkot sa sindikatong nagpupuslit ng undocumented Chinese sa Pilipinas at ang modernization program para sa nabanggit na tanggapan.
Ayon kay Senate committee on women, children, family relations and gender equality chairperson Sen. Risa Hontiveros sa panayam ng Bombo Radyo Naga na welcome sa kanila ang naging hakbang ng BI na imbestigahan din ang pangyayari, kung saan lumitaw na talagang may grave misconduct ang ilang opisyal at tauhan ng ahensya.
Pero sinabi nito na maaaring gumugol pa ng isang hearing para rito, ngunit sesentro na lang sila sa pagsasapinal ng rekomendasyon ukol sa mga ihahaing kaso at pagsasabatas ng mga bagay na makakatulong sa pagsasaayos ng buong bureau.
Nitong Martes ay isinalang at idiniin ng mga testigo sa imbestigasyon ang mag-amang Maynardo at Marc Red Marinas, bilang utak ng pastillas scheme, ngunit kanila naman itong itinanggi.