-- Advertisements --

Sumasailalim na ngayon sa medical evaluation sa ospital ang ikalawang Pilipinong pinalaya ng Hamas matapos ma-hostage.

Sinabi ng Embahada ng Israel sa Pilipinas na si Noralin Babadilla, isang 60-taong-gulang na Pinay na dinukot sa Gaza, ay dinala sa Tel HaShomer Hospital, malapit sa paliparan ng Ben Gurion para sa naaangkop na mga medical assessment.

Si Babadilla at ang kanyang kasamang Israeli, si Gideon, ay bumisita sa kanilang malalapit na kaibigan sa Kibbutz Nirim noong Oktubre 7 nang salakayin ng Hamas ang Israel, pumatay ng daan-daan katao.

Gayunpaman, ayon sa embahada, si Gideon ay pinatay ng mga militanteng Hamas.

Dagdag dito si Babadilla at ang isa pang Filipino national na pinalaya ng Hamas na si Jimmy Pacheco ay makakatanggap ng suporta mula sa Israeli government.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng iba’t-ibang bansa upang tuluyan nang mapalaya ang binihag ng Hamas.