-- Advertisements --

Isa pang Pilipino ang napaulat na nawawala habang nadagdagan ng 11 iba pa ang mga naitalang sugatan sa naganap na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Ayon kay Usec. Sarah Arriola ng Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na raw sa 42 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa insidente.

Nananatili naman sa apat ang numero ng mga Pinoy na binawian ng buhay dahil sa pagsabog.

Sinabi naman ng DFA na umaasa silang dadami pa ang bilang ng maaapektuhang Pinoy sa Beirut.

Sa datos, 75% ng 33,000 Pilipino sa Lebanon ang nasa kabisera ng bansa.

Samantala, ayon sa embahada ay nakikipag-unayan na sila sa mga kasapi ng Filipino community sa Beirut upang magbigay ng tulong.