-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Naitala ang mahigit sa 26,000 tourist arrival na pumasok sa isla ng Boracay nitong weekend para sa kanilang huling hirit na bakasyon sa holiday season.

Kasabay nito ay ang muling pagbalik sa ikatlong pagkakataon ng cruise ship na MV Norwegian Spirit kahapon nga adlaw it Sabado, Disyembre 28 sakay ang nasa 2,108 na pawing mga dayuhang pasahero at 906 na mga crew.

Inihayag ni Nieven Maquirang, Port Cruise Ships Operations na batay sa kanilang datos, nasa sa 2,204 ang bumaba mula sa vessel na kinabibilangan ng 1,914 na mga turista at 291 na mga crew.

Nasa limang beach transfer at 7 land tour ang kanilang nagawa gayundin hindi nila pinalampas na mapuntahan ang Motag Museum, mangrove area sa Manoc-Manoc at majority sa mga ito ay naligo sa baybayin partikular sa front beach area ng nasabing isla.

Dagdag pa ni Maquirang na ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malay na sa 10 days travel tour ng cruise ship ay napabilang ang Boracay sa kanilang iterinary na ang ibig sabihin nito ay nangunguna parin ang isla sa destinasyon ng mga turista sa mga gustong bisitahin na mga tanyag na isla sa buong mundoka.

Ang Norwegian Spirit ay ang pang siyam at huling cruise ship na dumaong sa Boracay sa pagtapos ng 2024.

Sa kasalukuyan ay naghahanda na ang mga hotels, resorts at iba pang establisyimento sa iba’t ibang pakulo sa new year’s eve at ang inaabangan na magarbong fireworks display upang salubungin ng masigla at masaya ang Bagong Taon.