CENTRAL Mindanao – Isang pasyente sa pagamutan sa siyudad ng Cotabato ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay base sa inilabas na department order # 2020-05 ng Department of Surgery ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.
Sa ngayon ay nagpatupad na ng additional precautionay measures ang CRMC sa lahat ng mga kawani nito,nurses at mga doktor hinggil sa nakakamatay na sakit kung saan mga emergency cases lamang ang tinatanggap ng pagamutan.
Sa mga may edad 60 pataas na magpapakonsulta sa pagamutan ay hindi tatanggapin ng CRMC.
Sa lahat ng oras ay magpapatupad ang ospital ng social distancing, disinfection and self quarantine guidelines.
Sa lahat ng mga doktor at nurses on duty sa ER at OPD ay kailangan gumamit ng face mask and googles or personal protective equipment.
Samantala sa Marawi City kinompirma ni Bangsamoro Parliament Member Zia Alonto Adiong, spokesman of the Lanao del Sur provincial Anti-COVID-19 Task Force na isang pasyante sa Amai Pakpak Hospital ang nasawi dahil sa deadly virus.
Ang biktima ay isang Islamic Missionary o Tablighs na galing ng Malaysia na kasama ng isang pasyente sa CRMC na nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon ay nagpatupad na ng temporary lockdown si Mayor Cynthia Guiani Sayadi sa Cotabato City walang pinalalabas na mga residente at pinapapasok sa lungsod para sa kapakanan ng lahat laban sa nakakamatay na sakit