ILOILO CITY- Isa patay kasunod ng patuloy na pagbuhos ng ulan sa Lalawigan ng Antique.
Ang biktima ay unang naiulat na missing at nakitang patay sa Brgy. Esperanza, Sibalom, Antique.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Broderick Train, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Antique, sinabi nito na dahil sa walang humpay na buhos ng ulan umapaw ang tubig sa mga ilog kung saan anim na bayan sa lalawigan ang lubog sa tubig baha.
Ayon kay Train, may naitala rin silang paguho ng lupa, daluyong ng bagyo, at pagkasira ng ibang kabahayan.
Samantala, isa rin ang missing sa Islas de Gigantes sa Carles, Iloilo.
Kanselado rin ang byahe ng malilit na sakayang pandagat partikular sa Guimaras dahil sa masamang panahon.