CENTRAL MINDANAO-Nasawi ang isang holdaper at isa ang nahuli sa habulan ng mga pulis sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga suspek ay mga residente ng Lake Sebu South Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na nagkunwaring magpagasolina ang mga suspek sa isang gasoline station sa Barangay Sangat M’lang Cotabato ngunit dumiritso ito sa cashier area at nagdeklara ng holdup.
Mabilis na tumakas ang mga magnanakaw ngunit agad nakapagreport sa pulisya ang may-ari ng gasoline station.
Tinugis ng mga pulis ang mga suspek hanggang abutan sa Barangay Pag-asa sa bayan ng Mlang kung saan isa sa mga ito ang nasawi at isa naman ang nahuli sa Brgy Bagontapay.
Narekober sa mga suspek ang kanilang dalang mga baril,motorsiklo,ninakaw ng pera at mga personal na kagamitan.
Sa ngayon ay nakapiit sa M’lang Municipal Police Station ang nahuling suspek na patuloy na iniimbestigahan habang ang nasawi ay dinala sa isang punerarya sa bayan ng M’lang.