-- Advertisements --

Roxas City – Patay ang backrider habang sugatan ang driver ng motorsiklo matapos aksidente nabangga ang aso sa President Roxas, Capiz.

Kinilala ang namatay kay Luzviminda Dais 40-anyos na nagtamo ng patal na sugat sa katawan at driver na si Roberto Bantaculo 71-anyos mga residente ng Barangay Cabungahan, Maayon, Capiz.

Base sa imbestigasyon ng President Roxas PNP binabaybay ng mga biktima ang kalsada sakay sa motorsiklo ng aksidente na nabundol ang aso dahilan nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Bantaculo.

Dahil sa impact ng pagkabundol, natumba ang motorsiklo at tumilapon sa kalsada ang mga biktima.

Dinala pa ang mga biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician si Dais.