-- Advertisements --
244517686 385812396372129 7192144738342556658 n

BACOLOD CITY – Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng driver at pahinante ng truck na may kargang gasolina na nasunog habang bumabiyahe sa Cadiz City, Negros Occidental.

Ayon sa Cadiz City Disaster Risk Reduction and Management Office, binabaybay ng Mitsubishi Canter truck ang Barangay Luna, Cadiz City nang naramdaman ng driver na may apoy, pasado alas-2:00 ng madaling-araw.

Biglang tumalon sa truck ang driver samantalang naiwan naman sa passenger seat ang pahinante dahil pinaniniwalaang natutulog ito.

Dahil tumatakbo ang truck nang tumalon ang driver, bumangga ito sa railings sa tabi ng highway at natumba.

Dito na rin nilamon ng apoy ang buong truck pati na ang pahinante na nagtamo ng 5th degree burn.

Samantala, sasunog din ang talampakan ng driver pati na rin ang lahat ng kanilang kagamitan.

Batay sa imbestigasyon, 100 gallon ng gasolina ang karga ng truck na dadalhin sana sa Molocaboc Island, Sagay City nang mangyari ang aksidente.

Sinasabing taga-Escalante City ang mga biktima ngunit hindi pa makausap ang driver dahil sa trauma at wala na rin ang kanilang identification.