-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang construction worker habang sugatan naman ang isang mangingisda matapos saksakin ng estudyante sa Barangay Parado, Dingras, Ilocos Norte.

Binawian ng buhay si Ericson Agustin, 33, construction worker, may asawa; habang sugatan naman si  Lester Sacramento, 36, mangingisda.

Kinilala naman ng pulisya ang suspek na si Ryan Aquino, 20-anyos, estudyante.

Base sa imbestigasyon, natukoy na naglalakad ang mga biktima nang parahin ang mga ito ng suspek para humingi ng sigarilo.

Nagalit ang suspek kaya tinangka nitong saksakin si Agustin pero naawat ito ni Sacramento, na siyang nagtamo ng sugat at kalaunan ay binawian ng buhay.

Napag-alaman na dati nang may alitan ang sina Sacramento at Aquino.

Sa ngayon, nasa kustodya ng PNP ang suspek at inihahanda na ang kason isasampa laban dito.