-- Advertisements --

LAOAG CITY – Malalang sugat sa ulo ang tinamo ng namatay na 15-anyos na lalaki matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. 44 Zamboanga sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang menor de edad na si Arvie Domingo habang sugatan ang backrider na kapwa 15-anyos at parehong residente ng Brgy. 34B Gabu sa lungsod.

Base sa imbestigasyon ng PNP, nakasalubong ng mga menor de edad ang motorsiklo na minaneho ni Julius Carlos y Salvador, 40-anyos,may live in partner at residente ng Brgy. 15, San Nicolas, Ilocos Norte sa magkasalungat na direksyon.

Patuloy namang ginagamot si Carlos sa ospital habang gasgas lamang ang tinamo ng 15-anyos na backrider.