-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isa ang patay habang isa ang sugatan sa banggaan ng Ceres bus at elf truck sa Cabilauan, Barotac Nuevo, Iloilo.

Ang binawian ng buhay ay si Barangay Kagawad Johnny Delariarte, 46-anyos, residente ng Poblacion, Sara, Iloilo at driver ng elf truck.

Ang driver naman ng bus ay si Roel Caguindangan, tubong Jamul-awon, Concepcion, Iloilo at nagtamo rin ng sugat sa paa ngunit conscious ng marescue.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Caguindangan, sinabi nito na nagmula siya sa Concepcion, Iloilo at papunta na sana sa Iloilo City ng makasalubong ang elf truck.

Samantala, nanggaling naman sa Iloilo Terminal Market sa Iloilo City ang elf truck at namili ng mga gulay ng mangyari ang aksidente.

Ayon kay Caguindangan, nagulat na lang siya ng nang-agaw ng linya sa kalsada ang elf truck hanggang sa binangga na siya nito.