-- Advertisements --

La Union – Dead on arrival sa Bacnotan District Hospital ang motorcycle rider matapos bumangga sa isang private tricycle sa bahagi ng national highway ng Brgy. Sta Rita sa bayan ng Bacnotan, La Union.

Nakilala ang namatay na biktima na si Aries Langtiwan, 24 anyos, single at residente ng Brgy. Taboc sa bayan ng San Juan, La Union, habang ang driver nga private tricycle ay si Robert Gasmin, 52 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Narra sa bayan ng Bacnotan.

Base sa imbestigasyon ng Bacnotan Police, tinatahak ng motorsiklo ang pahilagang direksyon habang patungo naman sa timog a private tricycle nang bigla na lamang bumangga ang motorsiklo sa harap ng side car ng tricycle.

Dahil sa insidente, nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang si Langtiwan kung saan idineklarang dead on arrival ng attending physician habang minor injuries naman sa ulo ang tinamo ni Gasmin.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay PSSG Ronaldo Agas, imbestigador ng Bacnotan Police, nagulat na lamang si Gasmin nang bumangga sa harap nila ang motorsiklo ni Langtiwan.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Bacnotan Police si Gasmin para sa karampatang disposisyon habang inaantay ang pag-uusap nila ng pamilya ni Langtiwan.