-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang katao habang sugatan naman ang isa pa sa pamamaril sa Sitio Del Rosario, Brgy. Bungoy, Dolores, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalaro ang mga biktima ng softball nang biglang kinompronta ng suspek na si Odelon Penis Alinea si Reygan Isuga dahil nakakaharang umano ang motorsiklo nito sa sasakyan ni Alinea.

Hanggang sa nauwi sa mainit na diskusyon ang away ng dalawa na agad namang inawat ng mga biktimang sinda Ronald Danila, Jovet Gutierez, at Roberto Capisanan.

Umalis umano ang suspek at ng bumalik, kasama na si Leozar Alinea habang armado ng pistola.

Pinagbabaril ng mga ito ang biktima kung saan tinamaan si Danila at Gutierez ngunit dahil sa malalang tama, dead on arrival na sa ospital si Danila.

Sa ngayon, pinaghahanap pa ang mga suspek na agad namang tumakas matapos ang krimen.