-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isa katao ang nasawi at isa ang sugatan sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Nasrudin Guialudi,21 anyos,binata at residente ng Barangay Dalumangcob Sultan Kudarat Maguindanao.

Sugatan naman si Saida Piang,26 anyos,dalaga at nakatira sa Barangay Buloc Sultan Mastura Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na lulan ang mga biktima sa isang payong-payong na motorsiklo galing sa Camp Darapanan papauwi na sa kanilang tahanan.

Ngunit pagsapit ng mga biktima sa Brgy Crossing Simuay Sultan Kudarat Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Sultan Kudarat.

Naisugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit dineklarang dead on arrival si Guialudi na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan habang ligtas naman si Piang na may tamas a kamay.

Bago pinagbabaril ang mga biktima ay galing sila sa Shariah court sa Camp Darapanan ngunit hindi nagkasundo sa kanilang ka-alitan na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa ngayon ay may mga person of interest na iniimbestigahan ang Sultan Kudarat MPS na posibling may kinalaman sa pamamaril sa mga biktima.