-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isa ang patay at isa ang nasugatan sa nangyayaring pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Boston Tablante, 35, fish vendor at residente ng Barangay Manaulanan, Pikit, Cotabato habang sugatan ang kanyang kasama na si Tomas Tula.

Ayon sa ulat ng Pikit MPS na sakay ng motorsiklo ang mga biktima para magdeliber ng isda sa palengke ngunit pagsapit nila sa hangganan ng Brgy Calawag at Brgy Ladtingan, Pikit, Cotabato ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek.

Kapwa naisugod sa pagamutan ang mga sugatan ngunit binawian ng buhay si Tablante habang nasa maselang kondisyon ang kanyang kasama.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril sa mga biktima.