ILOILO CITY – Nag-iwan ng isang patay habang 11 ang sugatan matapos naaksidente ang pampasaherong jeep sa center island ng Barangay Tabuc Suba sa Jaro, Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sergeant Lougen Alarcon, traffic investigator ng Jaro Police Station, sinabi nito na matulin ang pagmamaneho ng driver ng Leganes-Lapaz jeep na si Arlie Susal, 59-anyos ng Barangay Balantang sa parehong bayan.
Ayon kay Alarcon, sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng epilepsy ang driver habang nagmamameho at posible rin na lasing ang driver.
Dinala pa sa ospital ang driver ngunit hindi na nailigtas bunsod ng maraming dugo na ang nawala sa kanya matapos maipit sa loob ng sasakyan.
Sa ngayon patuloy na ginagamot sa ospital ang mga sugatang pasahero.