-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isa katao ang nasawi at 14 ang sugatan nang bumaliktad ang kanilang sinakyan na elf truck sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi Felix Baya,55 anyos,may asawa habang sugatan naman sina Javier Oplimo, driver ng Elf, Lynette Agues 29, Ronnie Condeno 19, Irish Joy Jaod 24, Vilma Jaod 51, Lawrence Jaod 35, Nur Baya , Rosindo Oplimo 31, Jomari Hasim, Chrisha Baya 7, Jenelyn Oplimo 33, Lemuel Poras at Dres Gonzales 13,magkakamag-anak at mga residente ng Brgy Montay Libungan Cotabato.

Ayon sa ulat ng Alamada PNP lulan ang mga biktima sa isang Elf truck galing sa pamimili ng bulaklak pauwi na sana ng kanilang tahanan.

Ngunit pagsapit nila sa Sitio Kawasi Brgy Rangayen Alamada Cotabato ay bigla umanong nawalan ng preno ang trak at bumaliktad.

Patay on the spot si Baya na naipit sa sasakyan habang naisugod sa pamutan ang mga sugatan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Alamada MPS sa madugong vehicular accident.