-- Advertisements --

Isa ang patay at 14 ang sugatan sa huling pag-atake ng Russia sa ilang bahagi ng Ukraine partikular na sa Kherson, Donetsk, Kharkiv, at Dnipropetrovsk.

Ito ang muling pag-atake ng ballistic missiles at cruise missiles ng Russia kung saan tinarget nito ang power facilities ng Ukraine.

Natamaan din ng mga pag-atake ang isang psychiatric hospital sa Kharkiv dahilan para masugatan ang 53 anyos na babaeng pasyente.

Na-damage rin ang 12 kabahayan at iba pang limang gusali sa Donetsk Oblast settlements. Bukod dito, ilang apartment buildings, palengke, beauty salon, at iba pang establisyemento ang nasira nang dahil sa pag-atake.